Posted by: oneinamillionrose | July 5, 2006

Share: tula ni Lolito R. Go Jr., isang alamat

 

Sa Unang Limang  Oras ng Pagdinig sa `Di-matapus-tapos na Tagisan ng

Argumento sa Pagitan ng Mga Numero at Alpabeto Tungkol sa Kung Maaari

Nga Ba Na Bigkasing O(OW) ang 0(Zero)?

 

Lolito R. Go Jr.

 

 

Sa ika-nim na milyon, pitong daan, walumpu’t siyam na libo,  isang daan

at dalawampu’t apat na pagkakatao’y magtatagisan na naman ang mga

bilang

at titik

 

Tumitilamsik ang init ng tanghali, makapanikip-dibdib ang sikip,

makapigil hininga ang tensiyon sa paligid, walang bait na dumating ang

ilang mga panauhin,

 

Ika-anim ng Marso taong dalawang libo at anim

 

Tagpuan: Sa Mababang Kapulungan ng Alphanumeric

 

Pagkatapos ng lahat ng pormalidad tulad ng pananalanin at pag-awit ng

katapatan sa panginoon nga mga bilang at titik, pagbanggit sa

palatuntunan at ilang pagbati

 

sinimulan  ang pagdinig

 

Unang binigyan ng pagkakataong makapagsalaysay ang sa panig ng mga

Numero.

Tumindig ang kanilang abugado:

(matipid ang ngiti, ang ulo ay tinatamad na kumakaliwa’t kumakanang

tila

surveillance camera sa isang high-tech na bangko)

 

“Mga kagalang-galang na kasapi nitong magiting na hukuman, sa lahat

Ng naririto,

Isang magandang tanghali sa inyo”

(Magsusuot ng salamin, aalisin ang bara sa lalamunan)

(Bahagyang hihigpitan ang kurbata na wari’y hindi sanay sa ginhawa)

 

“Sang-ayon sa aking pag-aaral,

OWkey lang na bigkasing OW ang 0(ZerOW)

Sapagkat, makatitipid ka ng .0(OW)0(OW)30 seconds sa

Bawat pagkakataong bibigkasin mong OW ang 0(Zero)

That’s what we call “convenience”

Sa isang libong pagbanggit, you spare 3 seconds

Of your life”

(mangingiti ang lahat ng kanyang kapanalig)

 

“Your honor”

(titindig ang tumutol na abugado sa panig ng alpabeto subalit pauupuin

din siya agad ng hukom)

(lalamunin ng sunud-sunod na pukpok ang mga kasunod pa nitong paghirit)

 

“objection overruled, you may continue”

(sabay ngiwi ng judge)

 

“Thank you your honor”

{Nakangiting pagtugon ng pinanigang abugado}

(mabilis siyang tutungo sa kanilang lamesa, may kukuning dokumento)

 

“Buong pagmamalaking itinatanghal ko sa inyo ang

Exhibit one:

(Ipa-flash ito sa isang big screen habang binabasa ng tagapagtanggol)

 

“In an entire lifetime of an average human being, as we have thoroughly

calculated, it has to at least speak of the word, I mean, number

0(Zero), 210, 000 times.

 

“your honor”

(makukulitan ang judge)

 

“overruled”

you are advised to refrain from interrupting,

no objections are entertained during the conduct of a privilege speech!

We shall arrive at interpolations if time permits.”

(Mas kapansin-pansin ngayon ang pait ng tono)

 

“You may proceed gentleman”

(sumusungit ang mukha ng mga nasa panig ng alpabeto)

 

“Thank you your honor”

(mahabang buntonghininga)

 

“Considering the earlier account which states that

3 seconds shall be spared in each one thousand instance

of saying it OW instead of ZERO

It is mathematically suggested therefore that there are

roughly 70,000 seconds of our life

that could have been of more significant use

 

19 hours 26 minutes and 40 seconds shall be

wasted by saying it ZERO instead of OW”

 

(Lalakad siya) (dahan-dahan)

“LABING SIYAM NA ORAS” (mabagal ang bigkas)

(ililibot ang tingin sa plenaryo)

(mapapatango ang ilang deputado mula sa

kampo ng mga numero)(mapapatango rin ang punong hukom)

 

“SADYANG MARAMING PANAHON IYON!” (sa pagkakataong ito’y madiin)

(mapapatangong muli ang mga kakampi)

 

“maaaring makapanood ka na ng sampung pelikula

makalikha ng limang tula, dalawang kanta, isang maikling

kuwento tungkol sa alamat ng sibuyas,

makalantak ng kalahating kilong tsokolate

habang nag-iimagine na ika’y hari o reyna, o sirena,

makakasiyam-na-pu’t limang French Kiss ka na rin

sa jowa mong laging nagmamadaling umuwi

SA LOOB NG LABING SIYAM NA ORAS”

(palakas-ng palakas ang tinig dito)

(parang tikatik ang palakpakan sa bulwagan)

 

“your honor, he is being irrelevant”

(tumindig muli ang tagapagtanggol ng mga alpabeto)

 

“and you are being obstinate”

(tugon ng hukom sabay pukpok)

“continue!”

 

“thank you your honor”

(itutuloy niya ang salaysay)

 

(matinis at papahina)

ilang parol din na yari sa straw ang matatapos mo within

such allotted time, mapag-iisipan mo pa nang husto ang number

combination ng pangarap mong jackpot sa lotto(mapapahiyaw ng WOW!

ang mga audience mula sa panig ng mga numero)

(order! Isisigaw ng hukom. Maglalabas ng menu ang isang waiter mula  sa

likod ng stenographer)

at makakagawa ka pa ng listahan ng mga babalatuhan

kung saka-sakaling palarin ka’t tumama (huhupa ang ingay)

at makakagawa ka pa ulit ng listahan ng mga babatiin sa iyong

acceptance

speech dahil may kakayahan ka nang bilihin ang kredibilidad ng mga

judges sa isang literary contest na itatago natin sa pangalang “Palanca

Awards”

(ang audience naman mula sa kampo ng mga alpabeto ay mapapahiyaw ng

BOO!)

(order! Isisigaw muli ng nanggagalaiting hukom. Maglalabas muli ng menu

ang isang waiter mula sa likod ng abalang stenographer)

 

(kukunin ito ng hukom, may ituturo siya mula sa inilabas na

menu)(iiling

ang waiter)

 

(magsasalita pa nang may ilang oras ang abugado ng mga numero)(aabot

siya hanggang exhibit 12)(na-contempt of court ang abugado para sa mga

titik) (nag-alburoto ang ilan sa mga audience) (nagkalat ang kamatis sa

paligid)

 

hanggang sa…

 

“Our time is up, gentlemen!”

Bulyaw ng secretaryo

(kakamot sa ulo) (hindi siya sigurado)

 

“Adjourned”

segunda ng hukom

(may iniligpit na ilang papeles, tumayo at lumiban ng walang paalam)

 

napakabilis ng mga pangyayari, simbilis ng paghagibis palabas ng judge

 

“OW my Goodness! I am not yet thru! This is unfair!”

(Pailing-iling na babalik ang abugado ng mga numero  sa kaniyang upuan)

(sumesenyas ng thumbs-up ang ilan sa kanyang mga kompanyeros)

(Subalit kunwa’y hindi niya ikinasiya ang kinahinatnan ng ilang

minutong

pagngakngak)

 

“Katarungan! Katarungan! Katarungan!”

 

(humahabol ng pagtutol ang nabalewalang koponan)

(nauna nang naglabasan ang mga nagdiriwang na bilang)

 

“Katarungan! Katarungan! Katarungan!”  (dadaluyong ng mga panunumbat at

pagbabanta sa buong paligid)

 

(papasok sa eksena ang isang ‘di kilalang makatang itatago natin sa

pangalang Lolito Go)(hawak niya ang isang mikropono, tila si Mike

Enriquez  ang diin at tono ng kanyang pagsasalita)(Walang makikinig sa

kanya) (Madrama ang mga sumunod na tagpo) (Nangingilid ang kanyang mga

luha) (Mapapanood siya sa isang live telecast sa ibang planetang

itatago

natin sa pangalang Mars)

 

“Mabuti pa ang mga numero, sila’y nakapagpahayag

Hindi tulad ng mga alpabetong naturinang mga letra

Sa bisa ng kapagyarihang mayorya

Ay hindi pinagbigyang makapangusap

 

May baluti ng istatistiko

 

ang kalabang mapanlapastangan

 

inaangkin ang lahat ng karapatan

 

nagdidikta ng sariling bigkas

 

Sa pagkakatong ito’y,

Nanaig ang mga bilang

Subalit hindi pa natatapos ang laban

May hukumang naghihintay sa lansangan”

 

(Tuluyan siyang mapapaiyak) (May dadapong paru-paro sa kanyang balikat)

 

 


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: