Posted by: oneinamillionrose | August 12, 2007

A Meeting With An Angel- Isang PagbabalikTanaw

 

Si Tata sa unang sulyap

Ang wentong ito’y ibinahagi ko sa aking mga Kamakata, at ngayo’y nais ko ring ibahagi sa aking mga kaibigan… kaarawan ni Tata Raul kaya’t naisipan kong isulat itong kwentong ito na nangyari pa noong taong nakaraan… wala akong maisip na tulang maihahandog sa kanya kaya’t i2 na lang…

 

Almost 1 year na ang nararaan, subalit sariwa pa ang lahat ng alaala sa isip kong mahilig magimbak ng mga larawan… at patuloy na dumarami ang mga larawang narito habang tumatagal angpakikipag kaibigan kay Tata Raul Funilas… walang kaparis sa kadakilaan, bilang anak, asawa, ama, kaibigan, tatay-tatayan at KAMAKATA…HAPPY BIRTHDAY, ipagdarasal namin ang isa pang 56 na taon ng inyong pamamayagpag!

 

A Meeting With An “Angel”

 

Nakikipaghabulan ako sa tiktak ng orasan sa dashboard ng aking sinasakyang trak, menos- cinco bago bumaba ang putingbandilang magsisilbing hudyat sa mga bwitre upang silain ang mga matitigas ang ulong lumalabag sa batas trapiko. Huwebes noon at hindi maaring humalang-halang sa daan ang aking trak na may numerong 808.

 

May usapan kami noon ni Tata Raul na dadaan ako sa kaniyang upisina upang kunin ang mga larawang ipapaskel namin sa kanyang yahoo 360 account, at turuan siyang mag “du-dutdot” (iyon ang kanyang tawag sa pag aaral o pag explore) sa kompyuter.

 

Iyon angmagiging unang pagkikita namin ni Tata raul, kaya’tang larawang nasa isip ko ayisang ermitanyong may mahabang puting bigote at balbas at nagliliwanag ang mukha sa kadakilaan ang bubulaga sa akin.Ang tanging pagkakakilanlan ko lamang sa kanya noon ay ang kanyang larawang nasa KAMAKATAHAN na ala-Raul Roco na naka side-view, at ang kanyang boses na naririnig ko noon sa radyo, sa Tula, Awit at Balagtasan…

 

Sa ilalim ng isang puno ako pumarada at ti-next ko siya upang ipabatid na naroon na ako sa labas. Hindi nagtagal at mula sa aking side-mirror ay may napansin akong isang lalaking lumabas sa building.“Hindi naman siguro ito si Tata” sa isip ko, “baka napag-utusan itong ako’ykaunin mula sa parking lot”. Patuloy kong pinagmasdan ang paem-pay-empay at pahilahod-sakong na paglakad ng mamang paparating (kawawang tsinelas…).Naka over-all na pantalong tulad ng isinusuot ng mga pintor, at baseball cap napaborito ni April Boy.Hmmm… baka assistant ni Tata…

 

“Rose? Ikaw ba si Rose? Ang salubong nya sa aking pagbukas ng pintuan, sabay ngiting abot-tenga at naglabasan ang mga matatambok at malalalim na pileges sa gilid ng mga mata… (tanda ng madalas na pagngiti, marahil).“Tata Raul?” ang aking tanong, bigla ang reyalisasyon,pagkadinig ng pamilyar na tinig.Sabay baba at abot ng kamay…

“Aba, ang ganda-ganda mo pala!” Ang kanyang bola-(sabay beso). Doon ko nasigurado na kaharap ko na ang dakilang si Tata Raul Funilas. “ Hindi naman pala kayo kasin-tanda tulad ng inaasahan ko, Tata”… ang aking ganting bola….

 

Hindi ako nagulat sa dinatnan naming upisina, lalo sa kanyang mesang punong-puno ngsamot-saring papel at larawan.Ngunit napansin ko ang isang eskulturang kahoy na nakapatong sa monitor ng kanyang kompyuter at noon ko lamang nalaman na si Tata pala ay isa ring eskultor.

 

At dahil 3 oras lamang ang aking inilaan sa pagtigil doon ay agad naming sinimulan ang pag fill-up nang mga impormasyong kailangang pil-apan sa kanyang yahoo 360.Otomatikong tumutula siya habang pinupunan namin ang kanyang blast, at profile… whew! Galing pala talaga neto, sa isip ko… At panay naman ang kanyang pagtatala ng mga step-by-step na pamamaraan sa pagpasok, paglabas, pag post ng blog, etc… sa kanyang bagong “website”. (At mabilis pumik-ap ang loloh n’yo ha?)Manaka-naka’y nag babahagi siya ng kanyang buhay, mga pinagdaanan, mga karanasan, at lagi syang may hinuhugot na larawan sa kanyang drawer. Larawan ni GMA, ng mga Kamakata, Pinoy Poets, at laging may kalakip na deskripsyon sa mukha, sa pangangatawan, sa ugali, sa boses… hehehe… may boses lalake, may boses kiki, ehehehe… si Tata talaga, napapailing ako sa kanyang mga antics… at madalas ding napapasulyap ako kay Moses na kanina pa uugoy-ugoy sa tapat ng aking noo. “ Saan po ba gawa yang si Moses?” Nakangiwi kong tanong.“A, Narra yan”, ang sabi…. Lalo akong ninerbiyos, dahil ibig sabihin, pag tuluyang nalaglag ito sa aking noo ay lagot ako, mag uuwi ako ng bukol!Napansin niya yata ang aking pamumutla, kaya’t dagling ibinaba niya ang eskultura, sabay sabing “magaan yan, zero water content na kasi yan” (akala ko noon, bawal mag ingles pag kausap si Tata)A, okei…. Pero nakahinga pa rin ako ng maluwag.

 

Marami kaming napag-usapan ni Tata sa loob ng sandaling oras. Marami siyang ibinahagi sa aking mga kabanata ng kanyang buhay na ubod ng hirap pagdugtungin… pano siyang naging ganito kung ganoon siya noon? Paano siya napunta doon, kung siya ay nandito, o nasa ibang lugar? Kaya parang gusto ko nang maniwala na siya nga ay isang ermitanyo, o inmortal na nabuhay sa maraming panahon…Hindi kaya siya kamag-anak ni Drakula?

 

Matapos ang kompyuter sesiyon ay tumayo ako at nag usisa sa inilabas niyang mga larawan at mga sipi ng dyaryong naglalaman ng kanyang mga akda…” Wala ba kayong anak na magsisinop ng mga ito?” Biglang nakaramdam ako ng panghihinayang at pag mamalasakitsa mga iyon.“Minsan, dadalhan ko kayo ng clear book para maayos itong mga ito”…

 

Bukas si Tata Raul sa mga ibig tumuklas ng kanyang hiwaga… otomatikong binuksan nya ang 2 steel cabinets sa kanyang kaliwa at harapan ng kanyang mesa at tumambad sa akin ang kahon-kahong mga orihinal na akdang sulat kamay… “dapat siguro, ilagay nyo ito sa isang baul”, ang suhestiyon ko… “Pag namatay ako’y kasama ko iyang ililibing sa aking kabaong” ang sabi…. Sa isip ko’y sinukat ko ang mga iyon at sa tingin ko, pag isinama yun sa kabaong ay wala nang paglalagyan ang kanyang bangkay.

 

At sempre, hindi lubos ang pagkikila ninyo ni Tata kung hindi ninyo mapag uusapan ang “Ulikbangon” . Hindi ako naniniwala sa anting-anting, pero may hatid na kilabot ang kanyang tinurang pag tumingin ako sa kanyang mata ay ako’y mabubuhay na muli. Ngek! Paano yon, e ganun ako makipag-usap, sa mata ako nakatingin! “Ay,Kanina pa ako nakatitig doon“ sa isip kong nagpanik bigla. “Ibig pong sabihin, Ta, papatayin ninyo muna ako, upang mabuhay na muli?” ang aking inusenteng tanong-biro.Hehe, joke lang! Ang sabi.

 

At dahil malapit nang mag alas-diyes ay kailangan na akong maghanda sa pag-alis (hahabol ako sa “window” ng number coding”.Kinuhan ko ng larawan ang unang sipi ng kanyang Librong HalugaygaySa Dalampasigan upang gawing pangunahing larawan sa kanyang yahoo 360 page.“Ikaw ang unang nakakita nyan, sample print lang kc yan, kinuha ko kahapon sa UST”, ang sabi… (bukod sa kanyang pamilya, kapitbahay, kaopisina, mga kumpare at kumadre? hehe…)

 

“Papunta ako sa Batangas ngayon, pwede bang sumabay hanggang sa terminal?”At noon ko nalamang may appointment pala siya sa mga tilapia ng madaling-araw ng araw na iyon… “Hay naku, baka bilasa na ang mga tilapia pag dating n’yo doon, Tata”…. “Ok lang un, pumapasag pa yun pagdating ko”… ang pampalubag loob na wika niya.At konting kodakan pa saparking lot bago kami tuluyang umalis.

 

Pakiramdam ko noo’y nanggaling ako sa ibang daigdig… attila napaka-igsi ng biyahe namin mula sa UP hanggang sa Jam Liner dahil sa walang patlang na kwento ni Tata… Sa wakas ay humantong na kami sa istasyon… At kailangan nang mag-paalam…at ang aming munting paalaman ay naghatid ng ngiti sa aming mga labi…

 

Taglay ko ang ngiting yon sa aking paglalakbay sa kahabaan ng EDSA…. Nang sa dako pa roon, ay may napansin akong isang mamang naka asul na sa akin ay kumakaway… Siyyeeettt!!! Malapit na nga palang mag-tanghalian!!!

 

 

 


Responses

  1. “Sa isip ko’y sinukat ko ang mga iyon at sa tingin ko, pag isinama yun sa kabaong ay wala nang paglalagyan ang kanyang bangkay.”

    gustong gusto ko po itong linyang ito. Mahusay ang paraan ng paglalahad. parang pocket book.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: