Posted by: oneinamillionrose | July 21, 2009

H’wag Mong Sabayan Ang Paglubog Ng Araw

silip sa takip-silim

silip sa takip-silim

Nasalubong kita habang namamandaw sa laot isang dapithapon.

Ikaw’y pauwi na kasabay ang pakiling nang araw—

Ako nama’y pasuba at nag hahanap ng masisilungan.

Malamig ang hangin, subalit ito’y nakapapaso.

Nagtama ang ating mga mata at sabay napangiti.

“Tumitig ka sa akin at tayo’y mabubuhay na muli”,

ang iyong bulong sa hangin.

Bumaba ka ng bangka at hawak kamay tayong

sinukat ang dalampasigan… Papalaki ang tubig

at nais sakupin ang munting daigdig na ating binilugan.

Napasulyap ka  sa pakiling nang araw—

Waring naalala ang naantalang paglalakbay.

/

Ang bilin ko lamang aking mahal,

H’wag mo sanang sabayan ang paglubog ng araw.

/

Sa duyan, habang iniuugoy ng papalubog na araw
21 Hulyo 2009


Responses

  1. oh! parang napapnsin kong gusto kong mawala sa aking kaluluwa! sadyang humahagod ang iyong tula sa aking puso. parang ayaw ko nang mabuhay kung ikaw ang aking kapiling!
    ayaw ko nang mabasa ang tula mo!
    ayaw ko naring ikaw ay maging kaibigan!
    DAHIL– pag ika’y NAWALA baka ikamatay ko pa! lalu na pag hindi ko araw araw nabasa ang iyong mga LIKHA! kaya please, ang BILIN KO sayo: hindi kita dapat mahalin KUNDI MO RIN LANG AKO ITUTURING KAIBIGAN ROSE HABANG BUHAY! Mas gusto ko ONE THOUSAND LIFE kesa ONE MILLION LIFE, para ako ang mauna.

    –PenPen

  2. kaya bago kita titgan at mawala ka sa akin ROSE, at putaktihin ako ng lungkot at pagkamuhi sa mundo KAPAG mawala ka, hayaan mong layan kita rin ng isa pang tula—


    upang kung mawala ka man, at hindi na AKO ITURING na KAIBIGAN, at basta mo nalamang akong ilagay sa loob ng kubeta kasama ng dumi, eh makahanap ako ng iba, kesa mamatay sa kakungkutan, bunga ng DALISAY AT HUMAHAGOD MONG mga TULA dito sa aking kaluluwa!

    –PenPen

  3. Salamat at ako’y pinapasok mo rin sa ‘yong blog site
    at hindi mo sinala anomang komento na bukal sa aking karayom na isipan—

    —PenPen


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: