Kung minsan, kailangan mong tumindig at suhayan ang sariling paninindigan..
Mamili kung ano ang sa tingin mo ay tama, kahit pa ito, sa iba ay mali.
Minsan, kailangang mayroong masaktan, kahit pa ito ay ang iyong sarili.
Minsan, kailangan mong magbihis, upang harapin ang sa iyo’y naghihintay.
Kailangan mong maligo upang manatiling malinis ang katawan.
Ngunit kung ikaw ay magbibihis, maliligo, at magbabagong anyo,
Hindi ibig sabihing magbabago ang iyong pagkatao.
Minsan, kailangan mong matulog upang ipahinga ang pagal mong katawan.
Hindi upang limutin ang mga alaalang inipon sa iyong puso,
Kundi upang paghandaan ang hamon ng paparating na umaga.
Minsan, kailangan mong magsalita, hindi upang ikaw ay marinig.
Katulad din ng minsang kailangan mong tumahimik,
Upang ulinigin ang lumulutang na sari-saring himig.
Ate Rose Musta na ba jan? Ngayon ko lang ‘to napasyalan. Buti na lang at nakita ko ang link nito sa facebook.
Gusto ko ang tulang ito, matalinghaga. Ate Rose puwede ba kita isama sa aking blogroll?
Kung sakali ho at magustuhan mo plug-in ko muna ang aking blog (lol) ito ho ang link: http://pruelpo.wordpress.com/. Thanks.
Regards,
Paul
By: pruelpo on November 3, 2010
at 10:12 pm
Aba, naligaw ang kamakatang Kuya Paul… Kamusta na jaan? cge lang, isama mo na… at maidagdag ko rin ang blog mo dito… Best regards and God bless.
By: oneinamillionrose on November 6, 2010
at 12:57 pm
Hello po. Gusto ko po sana mag send ng personal message, saan ko po kayo makakausap? Thank you.
By: -E on September 4, 2012
at 9:52 am
Hi, you can email me @ oneinamillionrose@yahoo.com
Thanks.
By: oneinamillionrose on September 4, 2012
at 10:01 am