Posted by: oneinamillionrose | July 6, 2009

Alamat Ng Baryo Binagbag

Ang Alamat Ng Baryo Binagbag

Ni Rosemarie Medina Ydia

Doon po sa amin sa nayong Binagbag,
Dati’y may ‘sang bundok na lubhang madawag.
Mayroong diwatang doon ay nabihag,
Ng pangit na bruhang gising sa magdamag.

Diwatang maganda, siya ay nainggit,
Sa seksing katawan at mukhang kay rikit.
Maraming binatang nais na dumikit,
Pati na ang irog ng bruhang masungit.

Kaya ‘sang umagang diwata’y namasyal,
Agad nilapitan at saka nilinlang.
Nagkunwang ‘sang batang nawala sa parang,
At saka humingi ng gabay sa daan.

Ang diwata namang sakdal buti’t hinhin,
Ang bata’y binigyan agad ng pagkain.
Anong laking gulat, nang kanyang mapansin,
Nagbago ang anyo, naging bruhang itim.

Agad na binihag sa gubat ‘kinulong,
At saka nilagyan ng bundok na lambong.
Diwatang maganda ay nang maikanlong,
Sa mga binata na hilong talilong.

“Ikaw nga ay dapat dito’y manatili,
Pagkat ikaw nama’y saksakan ng landi.
Hanggat matagpuan ng mabuting budhi,
At saka ka lamang lalaya’t uuwi”.

Ang nagdaang taon, kay bilis lumipas,
Diwatang nawala’y ninais tumakas.
Kahit anong gawi’y hindi nakaalpas
Sa bundok na tabing na ubod ng taas

Maraming binatang sa kanya’y naghanap,
Hindi matagpuan dalagang pangarap
Kahit sa hangin man, sila ay nangusap,
Sila ay gabayan at bigyan ng hudyat.

Maraming nagtangkang siya ay iligtas,
Subalit sa daan, sila’y nauutas.
Binata sa baryong sadyang magigilas,
Wala nang natira kung hindi si Kulas.

Si Kulas ay mayrong kaibigang ibon,
Katulong maghanap sa buong maghapon.
Isang munting pipit ang dito’y bumulong
Magandang balita, kanyang pahimaton.

Ibon ay dagliang ulat sa binata,
“Sa kabilang bundok, tunghan ang diwata”.
At itong si Kulas, lumukso sa tuwa,
Sa paglalakbay ay, agad na naghanda.

Sa daan ay mayrong tatatlong paraan,
Papuntang kaliwa, gitna at sa kanan.
Ang isa’y papunta sa diwatang banal,
Dalawa’y patungong , pait-kabiguan.

Isang daan lamang ang tuwid na landas,
Sa pusong busilak ito ay bubukas.
Ang iba’y patungong tarik na talampas.
Maitim na budhi’y doon mauutas.

Doon sa Paraan, binata’y tumindig,
Dagling nagdesisyon, hindi na nag-isip.
Piniling landasi’y sa kaliwang dibdib,
Sinunod ang tibok at ng puso’y pintig.

Ang landas na iyon, ay biglang bumukas,
Kasabay ng hangi’t kidlat na kaylakas.
“Bagbagin! Bagbagin!” ang ugong ng kidlat
“Bagbagin! Bagbagin!” hangi’y binulalas.

Sa mata ni Kulas, diwata’y tumambad
Malungkot na mukha’y biglang nagliwanag.
Sa matinding tuwa’y agad na yumakap,
Sa binatang tingin ay ubod ng gilas.

Sa kanilang pag-uwi, doo’y nasalubong
Ang hindi napansing nawawalang ibon
“Saan ka nanggaling?” binata’y nagtanong
“Baka sa talampas ikaw ay tumalon?”

“Ngayo’y alam ko nang maitim ‘yong budhi”
Biro ni Kulas sa ibong natameme.
Ibong napahiya’y lumipad madali,
Binagbag na bundok, ay tila sinuri.

“Ito na ang ating munting paraiso,
Dito itatayo ang ating palasyo.
Ito ay magiging isang munting baryo,
“Binagbag” ang ating itatawag dito.”

Paraan- makipot na daang-tao

Advertisements
Posted by: oneinamillionrose | June 2, 2009

Hello world!

Welcome to my new home!!! Pwedeng sumilip, bumasa, mag comment. Ang mga persona sa aking mga walang wentang tula ay hindi sinasadya at pawang katha lamang ng matulaing kaisipan… ;-D

Posted by: oneinamillionrose | May 13, 2009

Letting Go (Tulang Alay kay Ama sa kanyang kaarawan)

Medina-Marcelo Wedding

Isang tulang hindi matapos-tapos.

Sa loob ng mahigit na 2 taong paglisan ni Ama, ngayon lamang ako nagkalakas ng loob i post itong tulang ito… hanggang ngayon, hindi pa rin ito tapos i-edit… maraming error sa grammar, cliche, at hindi poetic ang dating… pero i po-post ko na, kasi, birthday n’ya ngayon…

Letting go (Sa alaala ni Ama)

As I enclose his frail, wrinkled hand in mine

I look away to hide a tear that escapes my eye…

Outside, a powerful hawk flaps its mighty wings

And prepares to take off to claim his kingdom once again.

I blink on its sideway stare

That seems to hesitate for a moment,

Before moving on to its journey.

As it mingles with dark orange haze of the sun,

The heavens seem to open and shower it with glorious light.

Whilst it willfully and gracefully glides towards the horizon

Where heaven and earth seem to meet,

The sun waits, to welcome it with warm embrace.

The hand I’m holding turned cold.

Its warmth never coming back, forever we are bound to part.

Posted by: oneinamillionrose | December 15, 2008

Hindi Nila Marinig Ang Aking Awit

Kaway sa dapit-hapon

Kaway sa dapit-hapon

Matinik ang landas na tinahak ng aking dalawang paa,

Walang paglagyan ang tibo sa sakong na nagdurusa;

Kaya ang ginawa ko’y kumapit ako ng siit at hinila

Nang hinila, inihalibas sa matatalim na titig ng mata.

Walang paglagyan ang lintos sa aking dalawang tuhod

Sa kaluluhod upang humingi ng akmang ihahandog

Sa lahat ng peregrinong naghahanap ng tubig-bulaos

Upang maibsan ang kaniyang matinding uhaw at pagod.

Walang madinig ang kanilang taingang puno ng dumi,

Pinararatangan pa nila akong suwail at walang silbi;

Kaya ang luha ko’y umaapaw sa sulok nitong hatinggabi

Hindi ko batid, hindi ko muslak ang kanilang sinasabi.

Kailan darating sa dapithapon ko ang isang umagang

Naliligo sa hamog at sa magandang tugtugin ay nagsasaya?

Posted by: oneinamillionrose | July 24, 2008

Bakit Kailangang Lumabo Ang Tubig Sa Batis

Ilog-AngatBakit Kailangang Lumabo Ang Tubig Sa Batis

Nakiliti ang talampakan mo nang una kang sumawsaw sa kanyang agos

Nabighani kang magpaunlak sa mahinhin niyang paanyaya

Lumusong ka at binasa ang kalahating katawan

Nagtampisaw ka at tuluyang naglunoy.

Ninamnam mo ang nanunuot

Niyang lamig hanggang

Mamanhid ang buong

Katauhan.

At naglaho

Ang init sa iyong

Dibdib. Kailangan mong

Huminga at kumawala sa kanyang yakap

Nagpumiglas ka at sumikad paitaas. Hindi alintana

Ang tubig na iyong kinakalabusaw. Kinutkot ng iyong kuko

Ang pusod niyang nalalatagan ng basurang matagal nang kinakalong.

Bukas, matapos na lumaya, hindi mo na nanaising lumusong sa batis na minahal.

Rosemarie M. Ydia

Hulyo 25, 2008

Posted by: oneinamillionrose | July 4, 2008

Share: A Poem That Gives You Goosebumps…

A Poem That Gives You Goosebumps...

A drunken man in an Oldsmobile
they said had run the light.

That caused the six-car pileup
on 109 that night.

When broken bodies lay about
and blood was everywhere,

The sirens screamed out eulogies,
for death was in the air.

A mother, trapped inside her car,
was heard above the noise,

Her plaintive plea near split the air,
‘Oh, God, please spare my boys!’

She fought to loose her pinned hands,
she struggled to get free,

But mangled metal held her fast
in grim captivity.

Her frightened eyes then focused
on where the back seat once had been,

But all she saw was broken glass and
two children’s seats crushed in.

Her twins were nowhere to be seen,
she did not hear them cry,

And then she prayed they’d been thrown free,
‘Oh, God, don’t let them die!

Then firemen came and cut her loose,
but when they searched the back,

They found therein no little boys,
but the seat belts were intact.

They thought the woman had gone mad
and was traveling alone,

But when they turned to question her,
they discovered she was gone.

Policemen saw her running wild
and screaming above the noise

In beseeching supplication,
‘Please help me find my boys!’

‘They’re four years old and wear blue shirts,
their jeans are blue to match.’

One cop spoke up, ‘They’re in my car,
and they don’t have a scratch.’

‘They said their daddy put them there,
and gave them each a cone,

‘Then told them both to wait for Mom
to come and take th em home.’

‘I’ve searched the area high and low, but I can’t find their dad.’

‘He must have fled the scene,
I guess, and that is very bad..’

The mother hugged the twins and said, while wiping at a tear,

‘He could not flee the scene, you see, for he’s been dead a year.’

The cop just looked confused and asked,
‘Now, how can that be true?

‘The boys said, ‘Mommy, Daddy came and left a kiss for you.’

‘He told us not to worry
and that you would be all right,

‘And then he put us in this car with the pretty, flashing light.

‘We wanted him to stay with us,
because we miss him so,

‘But Mommy, he just hugged us tight and said he had to go.’

‘He said someday we’d understand and told us not to fuss,

‘And he said to tell you, Mommy,
‘He’s watching over us.’

The mother knew without a doubt
that what they spoke was true,

For she recalled their dad’s last words, ‘ I will watch over you.’

The firemen’s notes could not explain the twisted, mangled car,

An d how the three of them escaped without a single scar.

But on the cop’s report was scribed, in print so very fine,

‘An angel walked the beat tonight on Highway 109.’

Posted by: oneinamillionrose | May 19, 2008

Sculpture and Poetry

Share: Eskultura at Erotika

Posted on May 9, 2008 by Roberto Añonuevo

Ginulat ako isang araw ni Raul Funilas sa pagbubukas ng kaniyang munting galeriyang tinawag na “Eskultula ni Tata Art Gallery” sa Don Antonio Heights, Lungsod Quezon. Itinanghal niya sa unang pagkakataon ang kaniyang koleksiyon ng mga eskultura na yari sa bronse, kahoy, bato, kongkreto, plaster, at iba pang midya. Ang kakatwa’y tinambalan ni Tata Raul—na magiliw na tawag sa kaniya ng mga kaibigan—ng pambihirang siste at pagdulog ang kaniyang likhang eskultura, kaya ang dating pagtingin sa katawan ng babae o lalaki o pangyayari ay nakakargahan ng mga pahiwatig na makayayanig sa pandama at sensibilidad ng sinumang makakikita.

Halimbawa na’y ang kaniyang “Si Malakas at si Maganda” ay hindi iluluwal ng buhông nabiyak ng tuka ng isang ibon. Ang buho ay mismong tarugo na tulî, at sa loob niyon ay makikita ang magkayakap na lalaki at babae na kapuwa nakahubad, at tigas na tigas ang burat na akma’t handang kumarat. Kung sisipatin sa malayo, ang nabiyak na tarugo ay hindi na mag-aanyong titi, bagkus animo’y pukeng magsisilang ng katauhan ng dalawang magkasalungat na kasarian.

Ngunit huwag akalaing pulos kalibugan ang mga likha ni Tata Raul, at humahangga sa kabastusan. Humubog din siya ng mga eskultura ng mga batang nagsasaranggola, na inukit sa matigas na kahoy ang mga bata at ang mga saranggola naman ay yari sa tanso na animo’y lumulutang sa hangin. O ng mga batang namimingwit o mangingisdang gumagaod o nangingisda. Ang malalaking isda, sugpo, bibe, o alimango ay maaaring yari sa tanso o kahoy, at depende na sa mamimili kung ano ang nais niyang itanghal sa loob man ng bahay o sa gitna ng hardin.

Retablong relihiyoso, estatwa ng santo o mananayaw, busto ng alagad ng sining, lamparang yari sa kawayan, orasang pandingding, kandelabra, maskara, dulang na yari sa kahoy na tinatayang edad 200 ang tanda, at kung ano-ano pang kuntil-butil ang masisilayan sa galeriya. Si Tata Raul, na dating katuwang ng mga eskultor na gaya nina Billy Abueva at Jerry Araos, ay lumikha ng sariling pangalan at nagpatag ng angking landas kahit sa panulaang Filipino. Ang ibang tula ni Tata ay nakaukit mismo sa dulang o retablo o estatwa, kaya ang imahen ng isang bagay ay hindi na lamang basta masasalat o magagamit bagkus kababakasan din ng mga talinghagang kapupulatan ng hiyas ng diwa.

Abot-kayang halaga ang bawat piyesa na makikita sa galeriya ni Tata Raul. Gayunman, hindi nangangahulugan iyon na mababa ang kalidad at antas ng sining ng pagkakalikha ng bawat eskultura. Mahigpit ang pamantayan ni Tata Raul pagsapit sa kaniyang mga likhang sining, gaya lamang ng pagsulat ng bagong tula. Kayo na ang humusga, at dalawin na lamang ninyo ang kaniyang “Eskultula ni Tata Art Gallery” na matatagpuan sa #25 Holy Spirit Drive, Don Antonio Heights, Lungsod Quezon

Posted by: oneinamillionrose | November 28, 2007

Karerista

racing-15AKARERISTA

Ni Rosemarie Medina Ydia
Agosto 30, 2007

Sa kurtinang alikabok, naaaninag ang iyong silweta;
Gumuguhit ang larawan ng buhay mong tila isang karera—

Marunong ka rin bang magpreno?
Kailangan bang sa lahat ng laban ikaw ang panalo?
Sino ba ang dapat tumanggap ng papuri—
Ikaw, ang kotse o mekaniko?
Lagi bang sa finish line ang laban, dapat ay magtapos,
O pwedeng sa gitna ng laba’y huminto at sumuko?
Ikaw ba’y totoo o larawan lamang—
Dala ng hanging sa akin ay pumapaypay?

Nais kong himayin ang iyong kalamnan.

Hihintayin kita sa finish line—
Dala ko ang banderang ikakaway-kaway.

Posted by: oneinamillionrose | September 23, 2007

Nang Gabing Ipinagluksa Ko Ang Sariling Kamatayan

Nang Gabing Ipinagluksa Ko Ang Sariling Kamatayan
Ni Rosemarie Medina Ydia, 24 Setyembre 2007

Marami nang dugong tumagas sa pusong gutay,
Buhat nang itarak ang matalim mong punyal;
Subalit pilit pa rin akong lumakad-gumapang
Upang marating ang pugad na mapanglaw.

Nangungulila ang kalatok ng sapatos na paos,
Sa saliw ng alulong ng asong nakatanghod;
Tulo ang laway at handa nang sumugod
Sa kaluluwang ang tuhod ay nangangalos, nauupos.

Sa pugad nati’y hinamon ang maramot na si Kamatayang
Dahan-dahang nagparamdam, tila ito’y nang-uuyam.
At ngayong gabi, pagal na katawa’y ihihimlay—
Aking ipagluluksa ang sariling kamatayan.

Bukas, Mahal, magsuot ka ng barong itim,
Dahil itinakda ko ang sariling libing.

Posted by: oneinamillionrose | August 12, 2007

A Meeting With An Angel- Isang PagbabalikTanaw

 

Si Tata sa unang sulyap

Ang wentong ito’y ibinahagi ko sa aking mga Kamakata, at ngayo’y nais ko ring ibahagi sa aking mga kaibigan… kaarawan ni Tata Raul kaya’t naisipan kong isulat itong kwentong ito na nangyari pa noong taong nakaraan… wala akong maisip na tulang maihahandog sa kanya kaya’t i2 na lang…

 

Almost 1 year na ang nararaan, subalit sariwa pa ang lahat ng alaala sa isip kong mahilig magimbak ng mga larawan… at patuloy na dumarami ang mga larawang narito habang tumatagal angpakikipag kaibigan kay Tata Raul Funilas… walang kaparis sa kadakilaan, bilang anak, asawa, ama, kaibigan, tatay-tatayan at KAMAKATA…HAPPY BIRTHDAY, ipagdarasal namin ang isa pang 56 na taon ng inyong pamamayagpag!

 

A Meeting With An “Angel”

 

Nakikipaghabulan ako sa tiktak ng orasan sa dashboard ng aking sinasakyang trak, menos- cinco bago bumaba ang putingbandilang magsisilbing hudyat sa mga bwitre upang silain ang mga matitigas ang ulong lumalabag sa batas trapiko. Huwebes noon at hindi maaring humalang-halang sa daan ang aking trak na may numerong 808.

 

May usapan kami noon ni Tata Raul na dadaan ako sa kaniyang upisina upang kunin ang mga larawang ipapaskel namin sa kanyang yahoo 360 account, at turuan siyang mag “du-dutdot” (iyon ang kanyang tawag sa pag aaral o pag explore) sa kompyuter.

 

Iyon angmagiging unang pagkikita namin ni Tata raul, kaya’tang larawang nasa isip ko ayisang ermitanyong may mahabang puting bigote at balbas at nagliliwanag ang mukha sa kadakilaan ang bubulaga sa akin.Ang tanging pagkakakilanlan ko lamang sa kanya noon ay ang kanyang larawang nasa KAMAKATAHAN na ala-Raul Roco na naka side-view, at ang kanyang boses na naririnig ko noon sa radyo, sa Tula, Awit at Balagtasan…

 

Sa ilalim ng isang puno ako pumarada at ti-next ko siya upang ipabatid na naroon na ako sa labas. Hindi nagtagal at mula sa aking side-mirror ay may napansin akong isang lalaking lumabas sa building.“Hindi naman siguro ito si Tata” sa isip ko, “baka napag-utusan itong ako’ykaunin mula sa parking lot”. Patuloy kong pinagmasdan ang paem-pay-empay at pahilahod-sakong na paglakad ng mamang paparating (kawawang tsinelas…).Naka over-all na pantalong tulad ng isinusuot ng mga pintor, at baseball cap napaborito ni April Boy.Hmmm… baka assistant ni Tata…

 

“Rose? Ikaw ba si Rose? Ang salubong nya sa aking pagbukas ng pintuan, sabay ngiting abot-tenga at naglabasan ang mga matatambok at malalalim na pileges sa gilid ng mga mata… (tanda ng madalas na pagngiti, marahil).“Tata Raul?” ang aking tanong, bigla ang reyalisasyon,pagkadinig ng pamilyar na tinig.Sabay baba at abot ng kamay…

“Aba, ang ganda-ganda mo pala!” Ang kanyang bola-(sabay beso). Doon ko nasigurado na kaharap ko na ang dakilang si Tata Raul Funilas. “ Hindi naman pala kayo kasin-tanda tulad ng inaasahan ko, Tata”… ang aking ganting bola….

 

Hindi ako nagulat sa dinatnan naming upisina, lalo sa kanyang mesang punong-puno ngsamot-saring papel at larawan.Ngunit napansin ko ang isang eskulturang kahoy na nakapatong sa monitor ng kanyang kompyuter at noon ko lamang nalaman na si Tata pala ay isa ring eskultor.

 

At dahil 3 oras lamang ang aking inilaan sa pagtigil doon ay agad naming sinimulan ang pag fill-up nang mga impormasyong kailangang pil-apan sa kanyang yahoo 360.Otomatikong tumutula siya habang pinupunan namin ang kanyang blast, at profile… whew! Galing pala talaga neto, sa isip ko… At panay naman ang kanyang pagtatala ng mga step-by-step na pamamaraan sa pagpasok, paglabas, pag post ng blog, etc… sa kanyang bagong “website”. (At mabilis pumik-ap ang loloh n’yo ha?)Manaka-naka’y nag babahagi siya ng kanyang buhay, mga pinagdaanan, mga karanasan, at lagi syang may hinuhugot na larawan sa kanyang drawer. Larawan ni GMA, ng mga Kamakata, Pinoy Poets, at laging may kalakip na deskripsyon sa mukha, sa pangangatawan, sa ugali, sa boses… hehehe… may boses lalake, may boses kiki, ehehehe… si Tata talaga, napapailing ako sa kanyang mga antics… at madalas ding napapasulyap ako kay Moses na kanina pa uugoy-ugoy sa tapat ng aking noo. “ Saan po ba gawa yang si Moses?” Nakangiwi kong tanong.“A, Narra yan”, ang sabi…. Lalo akong ninerbiyos, dahil ibig sabihin, pag tuluyang nalaglag ito sa aking noo ay lagot ako, mag uuwi ako ng bukol!Napansin niya yata ang aking pamumutla, kaya’t dagling ibinaba niya ang eskultura, sabay sabing “magaan yan, zero water content na kasi yan” (akala ko noon, bawal mag ingles pag kausap si Tata)A, okei…. Pero nakahinga pa rin ako ng maluwag.

 

Marami kaming napag-usapan ni Tata sa loob ng sandaling oras. Marami siyang ibinahagi sa aking mga kabanata ng kanyang buhay na ubod ng hirap pagdugtungin… pano siyang naging ganito kung ganoon siya noon? Paano siya napunta doon, kung siya ay nandito, o nasa ibang lugar? Kaya parang gusto ko nang maniwala na siya nga ay isang ermitanyo, o inmortal na nabuhay sa maraming panahon…Hindi kaya siya kamag-anak ni Drakula?

 

Matapos ang kompyuter sesiyon ay tumayo ako at nag usisa sa inilabas niyang mga larawan at mga sipi ng dyaryong naglalaman ng kanyang mga akda…” Wala ba kayong anak na magsisinop ng mga ito?” Biglang nakaramdam ako ng panghihinayang at pag mamalasakitsa mga iyon.“Minsan, dadalhan ko kayo ng clear book para maayos itong mga ito”…

 

Bukas si Tata Raul sa mga ibig tumuklas ng kanyang hiwaga… otomatikong binuksan nya ang 2 steel cabinets sa kanyang kaliwa at harapan ng kanyang mesa at tumambad sa akin ang kahon-kahong mga orihinal na akdang sulat kamay… “dapat siguro, ilagay nyo ito sa isang baul”, ang suhestiyon ko… “Pag namatay ako’y kasama ko iyang ililibing sa aking kabaong” ang sabi…. Sa isip ko’y sinukat ko ang mga iyon at sa tingin ko, pag isinama yun sa kabaong ay wala nang paglalagyan ang kanyang bangkay.

 

At sempre, hindi lubos ang pagkikila ninyo ni Tata kung hindi ninyo mapag uusapan ang “Ulikbangon” . Hindi ako naniniwala sa anting-anting, pero may hatid na kilabot ang kanyang tinurang pag tumingin ako sa kanyang mata ay ako’y mabubuhay na muli. Ngek! Paano yon, e ganun ako makipag-usap, sa mata ako nakatingin! “Ay,Kanina pa ako nakatitig doon“ sa isip kong nagpanik bigla. “Ibig pong sabihin, Ta, papatayin ninyo muna ako, upang mabuhay na muli?” ang aking inusenteng tanong-biro.Hehe, joke lang! Ang sabi.

 

At dahil malapit nang mag alas-diyes ay kailangan na akong maghanda sa pag-alis (hahabol ako sa “window” ng number coding”.Kinuhan ko ng larawan ang unang sipi ng kanyang Librong HalugaygaySa Dalampasigan upang gawing pangunahing larawan sa kanyang yahoo 360 page.“Ikaw ang unang nakakita nyan, sample print lang kc yan, kinuha ko kahapon sa UST”, ang sabi… (bukod sa kanyang pamilya, kapitbahay, kaopisina, mga kumpare at kumadre? hehe…)

 

“Papunta ako sa Batangas ngayon, pwede bang sumabay hanggang sa terminal?”At noon ko nalamang may appointment pala siya sa mga tilapia ng madaling-araw ng araw na iyon… “Hay naku, baka bilasa na ang mga tilapia pag dating n’yo doon, Tata”…. “Ok lang un, pumapasag pa yun pagdating ko”… ang pampalubag loob na wika niya.At konting kodakan pa saparking lot bago kami tuluyang umalis.

 

Pakiramdam ko noo’y nanggaling ako sa ibang daigdig… attila napaka-igsi ng biyahe namin mula sa UP hanggang sa Jam Liner dahil sa walang patlang na kwento ni Tata… Sa wakas ay humantong na kami sa istasyon… At kailangan nang mag-paalam…at ang aming munting paalaman ay naghatid ng ngiti sa aming mga labi…

 

Taglay ko ang ngiting yon sa aking paglalakbay sa kahabaan ng EDSA…. Nang sa dako pa roon, ay may napansin akong isang mamang naka asul na sa akin ay kumakaway… Siyyeeettt!!! Malapit na nga palang mag-tanghalian!!!

 

 

 

« Newer Posts - Older Posts »

Categories