
silip sa takip-silim
Nasalubong kita habang namamandaw sa laot isang dapithapon.
Ikaw’y pauwi na kasabay ang pakiling nang araw—
Ako nama’y pasuba at nag hahanap ng masisilungan.
Malamig ang hangin, subalit ito’y nakapapaso.
Nagtama ang ating mga mata at sabay napangiti.
“Tumitig ka sa akin at tayo’y mabubuhay na muli”,
ang iyong bulong sa hangin.
Bumaba ka ng bangka at hawak kamay tayong
sinukat ang dalampasigan… Papalaki ang tubig
at nais sakupin ang munting daigdig na ating binilugan.
Napasulyap ka sa pakiling nang araw—
Waring naalala ang naantalang paglalakbay.
/
Ang bilin ko lamang aking mahal,
H’wag mo sanang sabayan ang paglubog ng araw.
/
Sa duyan, habang iniuugoy ng papalubog na araw
21 Hulyo 2009
oh! parang napapnsin kong gusto kong mawala sa aking kaluluwa! sadyang humahagod ang iyong tula sa aking puso. parang ayaw ko nang mabuhay kung ikaw ang aking kapiling!
ayaw ko nang mabasa ang tula mo!
ayaw ko naring ikaw ay maging kaibigan!
DAHIL– pag ika’y NAWALA baka ikamatay ko pa! lalu na pag hindi ko araw araw nabasa ang iyong mga LIKHA! kaya please, ang BILIN KO sayo: hindi kita dapat mahalin KUNDI MO RIN LANG AKO ITUTURING KAIBIGAN ROSE HABANG BUHAY! Mas gusto ko ONE THOUSAND LIFE kesa ONE MILLION LIFE, para ako ang mauna.
–PenPen
By: PenPenPoems on July 25, 2009
at 9:04 pm
kaya bago kita titgan at mawala ka sa akin ROSE, at putaktihin ako ng lungkot at pagkamuhi sa mundo KAPAG mawala ka, hayaan mong layan kita rin ng isa pang tula—
upang kung mawala ka man, at hindi na AKO ITURING na KAIBIGAN, at basta mo nalamang akong ilagay sa loob ng kubeta kasama ng dumi, eh makahanap ako ng iba, kesa mamatay sa kakungkutan, bunga ng DALISAY AT HUMAHAGOD MONG mga TULA dito sa aking kaluluwa!
–PenPen
By: PenPenPoems on July 25, 2009
at 9:11 pm
Salamat at ako’y pinapasok mo rin sa ‘yong blog site
at hindi mo sinala anomang komento na bukal sa aking karayom na isipan—
—PenPen
By: PenPenPoems on July 25, 2009
at 11:13 pm