Posted by: oneinamillionrose | December 15, 2008

Hindi Nila Marinig Ang Aking Awit

Kaway sa dapit-hapon

Kaway sa dapit-hapon

Matinik ang landas na tinahak ng aking dalawang paa,

Walang paglagyan ang tibo sa sakong na nagdurusa;

Kaya ang ginawa ko’y kumapit ako ng siit at hinila

Nang hinila, inihalibas sa matatalim na titig ng mata.

Walang paglagyan ang lintos sa aking dalawang tuhod

Sa kaluluhod upang humingi ng akmang ihahandog

Sa lahat ng peregrinong naghahanap ng tubig-bulaos

Upang maibsan ang kaniyang matinding uhaw at pagod.

Walang madinig ang kanilang taingang puno ng dumi,

Pinararatangan pa nila akong suwail at walang silbi;

Kaya ang luha ko’y umaapaw sa sulok nitong hatinggabi

Hindi ko batid, hindi ko muslak ang kanilang sinasabi.

Kailan darating sa dapithapon ko ang isang umagang

Naliligo sa hamog at sa magandang tugtugin ay nagsasaya?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: