Posted by: oneinamillionrose | July 24, 2008

Bakit Kailangang Lumabo Ang Tubig Sa Batis

Ilog-AngatBakit Kailangang Lumabo Ang Tubig Sa Batis

Nakiliti ang talampakan mo nang una kang sumawsaw sa kanyang agos

Nabighani kang magpaunlak sa mahinhin niyang paanyaya

Lumusong ka at binasa ang kalahating katawan

Nagtampisaw ka at tuluyang naglunoy.

Ninamnam mo ang nanunuot

Niyang lamig hanggang

Mamanhid ang buong

Katauhan.

At naglaho

Ang init sa iyong

Dibdib. Kailangan mong

Huminga at kumawala sa kanyang yakap

Nagpumiglas ka at sumikad paitaas. Hindi alintana

Ang tubig na iyong kinakalabusaw. Kinutkot ng iyong kuko

Ang pusod niyang nalalatagan ng basurang matagal nang kinakalong.

Bukas, matapos na lumaya, hindi mo na nanaising lumusong sa batis na minahal.

Rosemarie M. Ydia

Hulyo 25, 2008


Responses

  1. Kinakalabusaw yun…maganda ang pagkakalikha at mukhang may isinilang na kalahati sa kaniyang pagkatao o kung tawagin ay luwal-hati…galing galing mo namang tumula Madam…lab yu!!!!

  2. Ikaw ba talaga ang sumulat niyan, o may iba pa? Isang tagay sa iyo.

  3. opkors!😦
    Salamat po at natapunan ng konting “may pag-aalinlangang” pansin ng isang dakila ang aking hamak na tula…

    Stay blessed…🙂

  4. WOW ang galing mong sumulat ng tula..
    ang galing galing mo…

    • Salamat. :’>

  5. Please watch the video.🙂

    Starring: ME😀
    Videographer: My daughter. :]] thank you. :*


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: