Posted by: oneinamillionrose | April 18, 2007

Mang-aawit

Mang-aawit
Rosemarie Medina Ydia 01-15-07
 
Matagal na niyang sinasaliksik ang libong himig
Ng awiting nagmumula sa kalawakang walang tinig
At sa panahanan ng kaluluwang maindayog ang katahimikan.
 
Nagsimula siyang umangkas sa hangin at nagpati-anod
Habang ang malawak na dagat ay lumalaminang nanonood
At kumikinang sa araw at sumisilaw sa kaniyang mga mata.
 
Nagigising ang bagting ng ulap at doon niya napapakinggan
Ang oyaying kumakandong sa sambuntong lagaslas ng ulan
Na nagbubuhat sa durungawang natatanaw ang pagtatakipsilim.
 
May munting bulong ang alon sa laot na gustong ihimatong
Sa pamamagitan ng pagtiyad at walang patlang nitong gulong
Na may badyang ang kamatayan tulad ng ilog at dagat,iisa lamang.
 
At tumanaw sa kalawakan, nakita niyang bumaba sa ulap ang hangin,
Alatiit na humihishis sa talahib at kogonang humihilig,
At plegaryang nakikisones sa duklay ng kahoy sa paghablig
 
Ng amihang nanaghoy sa bigat ng galit sa maruming gubat.
At lumao’y naging bugsong ipuipo at nanagos sa lawak ng dagat,
Trumpetang sumasaliw ang unos sa himig ng bagyong mapaminsala.
 
Hanggang maisip niyang magandang awitin ang himig ng kalikasan,
At nang mapukaw ang dalamhati sa mundong maraming nalulumbay
Upang ang pagpapangagawan ng haraya ay mapag-isa ko at maging awit.
 
 
 
 
 
 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: