Posted by: oneinamillionrose | February 5, 2007

Talahib- 2 Tulang ipinangako kay Alwyn B.

Larawang Kuha ni Alwyn Balingit

Larawang Kuha ni Alwyn Balingit

Talahib

Ni Rosemarie Medina Ydia, 2/05/2007

Muli, ako’y iyong nilagpasan, iningusan.

Bahagya pa lamang sumagi

ang iyong palda sa aking mabulong balat,

Ikaw ay pumadyak, pumiksi

May kasama pang irap na tila iiyak

Minsan, itinatanong ko sa aking

Sarili kung bakit kung ako’y ituring

Ay parang peste?

Ginagawa akong tapunan ng tsiklet

at balat ng saging na palihim na inihahagis

sa bintana ng iyong kotse.

Nagsusukal ang aking paligid

Subalit ako’y nagtitiis…

Wala. Wala akong magagawa,

Kahit tagpasin, igapos at sunugin

kahit tabunan ng lupa,

Sementuhin, at gawing palaman sa iyong daan,

Maghihintay akong ito ay magbitak

At doon, ako’y susulpot upang bawiin

ang inagaw na liwanag.

TalahibAng pagbangon

Ni Rosemarie Medina Ydia, 2/05/2007

A! sa umagang ito, ako ay gigising

Sasamyuin ang dapyo ng hangin,

Sasahod sa hamog ng dahong tumatawing.

Kanina, kani-kanina lamang…

May dalang balita ang hanging dumantay sa akin

Ang aking mga kalahi, malayo na ang narating,

Ginawang banig, plurera, kandelero at picture frame

At ngayon, ngayon-ngayon lamang…

Isang lalaking Alwyn daw ang pangalan,

ang kumuha ng aking guwapong larawan,

(i-po-post daw sa kanyang blog ,) ewan,

Pero masaya ako ngayon..

Kahit ilang ulit na ako’y tapakan ,yurakan o iwasan,

tatayo ako, taas noo, sadyang kakapit sa laylayan

Ng paldang paulit-ulit

na sa akin ay sumasabit!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: