Posted by: oneinamillionrose | January 8, 2007

Mananayaw

bronze sculpture by Tata Raul Funilas

bronze sculpture by Tata Raul Funilas

Mananayaw

Ni Rosemarie Medina Ydia

Isinasayaw ko ang iyong kaluluwa

sa tuwing humahampas ang hangin.

Kailangang walang makaalam

na ikaw\’y galing sa sinapupunan

ng diyosang walang paraiso.

Umindak kang nakataas ang kamay,

nakatiyad at nakabuka ang bibig.

habang ako\’y nagbabantay sa iyong indak.

Punuin mo ng hangin ang iyong katawan

upang sa paglipas ng unos

at sigwada ng hangin,

tayo\’y papailanlang sa himpapawid.

ipagpapatuloy natin ang walang humpay

na pag-indak upang magising

ang mga anitong nagbabantay

sa bahaghari at ipuipo.

Salisurin mo ng iyong paa ang alapaap

na may kalong na tubig upang ibuhos

nito sa gagawin nating himlayan,

kapagka napagod na ang ating mga paa sa pagsayaw.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: