Posted by: oneinamillionrose | December 27, 2006

Ayoko sa Makatang Playboy

Ayoko sa Makatang Playboy

Ni Rosemarie Medina Ydia, 11/20/2006

Ako’y narahuyo

sa dilang may pilak

inakalang puso

ay sadyang busilak

damdamin kong payak

natutong umiyak

boses na matinis

ngayo’y naging pagak

Tahimik na gabi

Ngayo’y napupuyat

Tingin sa sarili

tila namamayat

Subalit nabuklat

Iyong mga aklat

Talaga nga yatang

Ika’y inaalat

Ngayong alam ko na

Ang iyong sikreto

Mabuti na lamang

At aking nabisto

Bawat buwan pala’y

Iba ang rekado

Ako’y para lamang

Sa bwan ng Pebrero

Ikaw pala’y playboy

isang salawahan

Pag-ibig sa iyo’y

Laro-laro lamang

Tingin’y ipupunla

sa di tumutula

Pero puso naman

ay sadyang dakila

Ayoko sa playboy

Kahit pa makata

Ako na lamang ang

Hahabi ng tula!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: