Posted by: oneinamillionrose | December 18, 2006

Isinabit Ko Na Ang Ating Parol Kagabi, Aking Mahal

Parol

Isinabit Ko Na Ang Ating Parol Kagabi, Aking Mahal

Ni Rosemarie M. Ydia, 12/18/2006

Isinabit ko na ang ating parol kagabi,

Aking mahal. Kutitap-kislap, sayang

di nasilayan ng iyong matang malayo

ang tinatanaw.

Noong gabing pumanaw na ang kislap

ng pag-ibig sa iyong mga mata,

Naisip kong palayain ka; ang iyong pagbalik,

h‘wag nang asahan pa.

Hindi man mangyaring ikaw ay magbalik,

Sa kandungan kong sa iyo ay nananabik,

Parol nati’y lagi lang nakasabit,

Hanggang ang Pasko ay sumapit

Pag ang Pasko’y lumipas na, parol, inilapag na,

Sa Bagong Taon, huwag nang babalik pa!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: