Posted by: oneinamillionrose | November 28, 2006

Hayaan Mong Mahalin Kita

Hayaan Mong Mahalin Kita

(Kay Isko Amorseko)

 Ni Rosemarie M. Ydia, 11/28/2006

 

Hayaan mong mahalin kita

Sa pagitan ng piping ulap

Haplusin ang iyong puso

Nitong kubling pagsuyo

 

Hayaan mong haplusin kita

ng anas at masuyong  salita,

Yakapin sa aking tanaga

At ikulong sa sukat at tugma

 

Hayaan mong yakapin kita

Upang ang ulap ay hindi malusaw

Iduyan ng walang humpay

Sa balag ng pagmamahal

 

Hayaan mong iduyan  kita

Sa tulay na bahaghari

Doon tayo’y magtatagpo

Sa pagitan ng ulap, doon magtatago


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: