Posted by: oneinamillionrose | November 15, 2006

ISANG BUONG-TAPANG NA PAGTATAYA

KAMAKATAHAN

Note:  Ang larawang ito ay kasamang itinago pansamantala sa Yahoo! Time Capsule noong Nov. 8, 2006, at muling matutunghayan makaraan ang 30 taon.  Inshallah!

Paumanhin dun sa mga minamahal kong kamakata na hindi nakasama ang larawan dahil hindi nag upload ng picture sa Photo Album ng grupo… belat!!! :-p

Ano na kaya ang KAMAKATAHAN after 30 years? E2 ang ilan sa aking buong-tapang na pagtaya:

  1. Si Tata Raul Funilas ay isa nang National Artist; at tatangapin nya ang gawad na ito nang sya ay buhay pa. Mahaba kasi ang buhay nya dahil taglay pa nya ang kanyang “Ulikbangon”.
  2. Si Bum ay presidente na ng Pilipinas. (or Prime Minister, kung na2loy ang CHACHA); patula sya kung bumigkas ng SONA;
  3. Si Kiko na ang “hari” ng LIRA, at kandidato na rin sa pagiging National Artist.
  4. Si Kuya DonBel… ay Nobel Peace Prize Awardee na (for social justice, and humanitarian service) bigat! At mabigat na rin ang kanyang timbang, hindi na kayang pangkuhin ng kabayo ni FPJ.
  5. Si Paul P. ay kukuya-kuyakoy na lang sa tabi ng hari ng Saudi, bilang adviser on Christian Affairs, at naturuan na rin nya itong tumula.
  6. Si DonBus naman ay bilyonaryo na at namumudmod na lang ng pera sa mahihirap. (kailangan munang tumula, bago bigyan ng piso).
  7. Si Me-ann ay PCGG chief na at patuloy na hinahabol ang kayamanan sa mga apo ng mga nagdaang presidente, at syempre, mukhang donya at sosyalin, laging nakataas ang manipis nang kilay.
  8. Si Sol ay CEO na ng CCP at chairperson ng MTRCB. (asus, kasin-taray ni Armida ) joke!
  9. Si Rowaine ay nag je-jet set na lang, at malapit nang mag PMS (hehe, joke!), pero patuloy pa ring umaawit, tumutugtog, at tumutula.
  10. Si Anthony ay Obispo na, (obese po?) at medyo malapad na ang noo. Patula rin sya kung magsermon.
  11. Si Noah ay hindi na noahwala, pero kikay pa rin, kaya hindi pa tinutubuan ng bikil sa nooh.
  12. Si Megs ay nagsasalansan na lang ng mga trophy sa larangan ng sining. ( di ko lang sigurado kung kanya un, baka sa apo nya?) Hindi sya pumayag maging chairman ng MTRCB ( kaya napunta un kay Sol) dahil hindi naman ito inialok ni Bum sa kanya.
  13. Si Kuya Caloy ay namumulot na rin ng awards sa panulaan… at hinahangaan ng maraming babae sa Pilipinas. (iba na kc ang  ng mga babae sa hinaharap.. ehehehe).
  14. Si Rey naman ay baluktot na ng konti ang likod dahil sa bigat ng mga dulo ng daliri na kumapal ang kalyo, dahil sa sobrang sipag at sigasig sa 30 taong pag ta-type ng tula. Ayaw pa nyang bitiwan ang 30 taong gulang na keyboard nya, dahil narito raw ang kanyang bertud.
  15. Si Rado naman ay bumalik na sa paggamit ng Seiko, at nagbalik-loob na rin sa pamahalaan dahil si Bum na nga ang presidente (o Prime Minister kung natuloy ang CHACHA). Hinirang syang Secretary/ Minister (kung natuloy ang CHACHA) of National Defense.
  16. Si Joy ay Joy pa rin ang pangalan. Patuloy pa rin syang kinukulit ni Tata upang ituro ang mga bagong software na lumabas, dahil hindi nya alam mag retrieve ng files mula sa Time Capsule.
  17. Ako nama’y nakaupo sa tumba-tumba, panay ang haplos sa malambot na balahibo ng isang Persian cat (na matagal ko nang pangarap matangap ngunit walang nagbibigay), nakatunghay sa mga bulaklak ng isang fire tree sa dako pa roon ng aming bakuran. (Kailangan nga lamang na makapagtanim akong muli nito. Dahil yung unang itinanim ko ay pinutol ng Meralco dahil sagabal daw sa linya ng kuryente! Hmmph! Life is so unfair!)
  18. Si¦ sino pa nga ba ang hindi ko naisama d2? Pasensya nang muli sa mga hindi napasama sa aking munting pangarap… si kuya Don Bel kasi ang mas may karapatang gumawa nito dahil sya ang may hawak sa aming mga profiles¦ (Nangdamay pa noh? ala Ate Glow.

See u all!!!


Responses

  1. hahaha! nakaka-aliw! nakakabaliw ang mga predictions mo madam rosa!
    ang kulit! :p

  2. hmmmmmmm may Isko ka na pala ha oneinamillionrose? ipakilala mo naman ke meann at joy para makilatis..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: