Posted by: oneinamillionrose | September 7, 2006

“Paalam Na” – Dugong ng Guimaras

DugongPaalam Na” – Dugong ng Guimaras

Ni RoseMY, 9/07/06

Pag gising sa umaga ako ay babangon

Sa dalampasigan ako ay aahon

Sa bukal ng tubig, doon maglulunoy.

Mga damong-dagat, aking susunungin

Sa aking pag ahon, sila’y tatangayin

Magsisilbing belo bago manalangin.

Hampas ng alon sa dalampasigan

Ito ang musikang aking sasayawan

Upang manatili seksi kong katawan

Sa malinaw na tubig, mananalamin

Mala-sirenang mukha, doon sisipatin

Saka lalangoy ng pakendeng-kendeng

Sa mga yungib kanlong ay bakawan

Doon maglalaro ng bahay-bahayan

Kasama ang pagong at mga pawikan

Dilis, salmon, at pulang hipon

Sa makinang na kurales, kahit pumayupoy

Sa akin ay hindi kayang magpagutom

Mga isdang dagat, kay sarap pagmasdan

Kahit kumakalam yaring aking tiyan

Hindi naman sila ang aking hapunan.

Sa pusod ng dagat ako ay pupunta

Damong-dagat doon, tunay na sagana

Bago naganap ang isang trahedya

Narito ako’t tunay na naiinip

Ngunit itong araw ayaw nang magbalik

Nang siya’y lumitaw, may kasamang banlik.

Ano ba itong sa akin ay kumapit

Kahit anong kiskis ay hindi maalis

malapot na langis, nagdulot ng galis

Luntian kong belo, ngayo’y naging itim

Hitsura ko ngayo’y nakaririmarim

Tila nawala ang taglay kong asim.

Along malamyos sa aking kandungan

Sa aking pagtulog nagsisilbing duyan

Dito hihintayin aking kamatayan.

Nais ko sanang kayo ay awitan

paos kong tinig sana’y mapakinggan

Kahit tunog nito’y alulong na lamang.


Responses

  1. Kay gandang basahin, tula mong na no’y kasing linaw ng tubig- dagat ng Gimaras, na ngayo’y dinamitan ng kulay itim, nguni’t sa ganda ng iyong mga tinuran ang itim naging puti, sing-puti ng iyong pagmamahal na tunay sa kalikasan.

    Rose, salamat sa iyong walang pag-aalinlangan na ako’y mapasama sa iyong listahan ng mga kaibigan. Nawa’y pagpalain ka lagi ng Maykapal, ingatan sa lahat ng panahon.

    Paul Pruel
    Kamakatahan member


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: