Posted by: oneinamillionrose | September 4, 2006

May Guhit Ng Langis ang Tubig Sa Guimaras ni Raul Funilas

Oil spill

May Guhit Ng Langis Ang Tubig Sa Guimaras

Raul Funilas

Agosto 29, 2006

Hindi ko maisip kung anong balangkas ang maiaambag,

Tungkol sa tubigang hinaplos ng lapot ang banigang lawak;

Mula nang lumubog ang M/T Solar One sa laot Guimaras

Tila ba napudpod, naubos ang laman ng aking panulat.

Ayaw kong tunghayan pupong pahayagang siyang nagtititik,

Kung anong nalikha ng nagluksang langis na yakap ng tubig;

Tila ba daluyan ng dolyar at milyong ambag sa pagtangis

Nitong maglalayag sa ektaryang parang na naghihinagpis.

Ayaw kong pakinggan ang tusong orador doon sa kongreso,

Ayaw kong manood doon sa bulwagang suwagang senado;

Ayaw kong makita ang pangakong pako doon sa palasyo

Dahil nakukubkob ang litanyang dayaw ng demonyo?t d?yablo.

Di ako sasamang sumisid kasama?y ang tusong dayuhan,

Upang maiahon ang bangkay ng barkong M/T Solar One;

Dahil ang alam ko kapagka napunggal sa dagat-libinga?y

Unting mawawala\’y inutang na dolyar sa kaban ng bayan.

Ayaw kong tulain ang parusang bigay at husga ng langit,

Ayaw kong tugmain ang linyang taludtod at guhit ng tubig;

Dahil nakikita?t lahat na naganap dito sa paligid

Ay likha ng taong gusto nang magunaw ang ating daigdig.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: