Posted by: oneinamillionrose | August 16, 2006

Tropang Posporo (Trahedya sa St. Bernard)

1155722804-hr-41Tropang Posporo, RoseMY, Feb. 23, 2006

Gubat na madawag,
Kanilang binuwag
Nilapastangan, niyurakan,
Iniwanang hubad.

Punong di mayakap,
Kanilang tinilad,
Ginawang palito, pangsindi ng sigarilyo
Panggawa ng siga, pangsunog ng baga.

Inilako sa Maynila
Pinagkamalan
Pinangsuhol sa halimaw
Na sa ati’y lumalamon, sumasakmal.

Kamay ay nangangapal,
Labi’y nangangatal,
Dila”y nauumid
mata’y nanlilisi.

Kaya nang magngitngit,
Sumabog na ang dibdib
Nilamon ng lagim
Nilalang sa paligid

Tropang posporo
Nakaupo sa Kongreso, Senado at Palasyo,
Naiwang nakahalukipkip,
Nagmamasid, nakangisi, nakaismid!


Responses

  1. Ito pala ang kabilang mukha ng kwento ukol sa lugar na ito. malapit lang kasi dito ang probinsya ng nanay ko sa may Cabalian, kaya nagkainteres ako.

    Dumaan lang po.

    • Salamat po sa pagsilip.🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: