Posted by: oneinamillionrose | July 5, 2006

Isang Panalangin (Holy Week, 2006)

Isang Panalangin, Rosemarie Medina Ydia, 4/14/06

Yakapin mo ako at ikulong sa iyong bisig

Kunin yaring puso\’t ilagak sa iyong dibdib

Dapyo ng hininga mo\’y aking kailangan

Upang kaluluwa\’y muling magkabuhay

Akayin mo ako\’t wag nang iwanan pa

Isama mo ako, ilagay sa iyong bulsa

Sa daigdig, kung ikaw ay mag lalaho,

Lahat ng bagay, mauuwi sa siphayo

Buksan ang mga matang sadyang malalamlam

Bigyang liwanag yaring aking daan

Liwanag ng araw waring hindi sapat

Upang makita, nakaumang na tabak

Mukha mong kay amo, hayaang pagmasdan

Bukal ng dugo, hayaaang punasan

Kung sa ganitong paraan, maaring hugasan

Kasalanang sa iyo ngayo\’y pumapaslang

Sana\’y baunin mo yaring pagmamahal

aking panalangin, hwag sanang kalimutan

Sa iyong pagbabalik, ako ay tapunan

Ng iyong ngiting tanging inaasam

Love you Lord!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: