Posted by: oneinamillionrose | July 5, 2006

Isang Tula: silip sa kalooban ng isang GRO

Mga Impit Na panaghoy Ng Isang GRO Sa Isang KTV Sa TAPAT Ng Sandigan Bayan1152161455-hr-22

Rosemarie M. Ydia, 4/12/2006

Mata ko ay napuwing,

Lumabo ang paningin

Tila nalunok ang tilaok-tilaukan,

sa mapait, malinaw na larawan

na aking natunghayan.

Bawat saltik ng iyong tula,

balaraw na tumudla

Ayoko na, di ko na kaya,

tatalikod na sa laptop mo\’t

di na lilingon pa.

Ngunit paano pa buburahin

ang inukit na pangitain?

Sugat na nagnaknak, paano gagamutin?

Sa halip na mahabag sa pagak na pagdaing,

minura, pinaluhod,pinakanta,

halos ako ay masuka.

Nakarating ka na ba sa impierno?

O nakakita na nang demonyo?

Naranasan mo na bang lumangoy sa apoy,

habang puso\’y tumataghoy?

Kung nais mong subukan,

nasa TAPAT lang ang purgatoryo,

katabi ng impierno.

Bago magpaalam, bayaan mong bulungan kita.

Ang masikip na iskinita,

produkto lang ng siyensya,

Landscaping ang tawag dyan,

ika\’y aking naisahan.


Responses

  1. napakagaling naman ng tula mo oneinamillionrose

    Tata

  2. Pretty cool post. I just stumbled upon your blog and wanted to say
    that I have really liked reading your blog posts. Anyway
    I’ll be subscribing to your blog and I hope you post again soon!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: