Ang Yagit
(Tula ng aking inang si Generosa Marcelo Medina)
Dahong nangalagas, sangang nangahulog,
Damong nangabagbag yagit na naanod;
Masampid, matangay, matipon, masabog,
Magkasa-kasamang kinandong ng agos.
Sa sariling lupa nag-iwan ng buhay,
Sa laot ng dagat naghayag ng bangkay;
Patay na’y wala pa na himpilang hukay
Ikaw’y sumapadpad doon ang libingan.
Tangiin ng araw dagitin ng hangin,
Bulukin ng ulan kung nasa pampangin;
Balana’y yumakyak o kaya’y pulutin
Kung ipananamba o kung susunugin.
Iya’y dili iba sa ‘yong pagkabulok
Sa katas ng lupa na walang umirog,
Sa gutom na taong madalas maghambog
Isa ka lang yagit na walang kumupkop.
Kulob ang iyong pahiwatig, pero dahil sa nanay mo iyan, wala akong masasabi.
Ni: Roberto Añonuevo noong Agosto 27, 2009
sa 10:26 hapon