
Nagising ang gabi sa nilikhang guhit,
Ang katahimika’y dagliang napunit
Nang ‘yong bigyang-laya ang kuyom na ngitngit
At ikaw’y naluklok at nagpakasakit.
Tatag ng prinsipyo’y matapang na hanging
Sa puyos ng dibdib may dapyong malambing.
Lunong mga binting sa lusak nalibing.
Binigyang lakas mong lumabang magiting.
Higit pa sa lahat ikaw’y isang ina,
Butihing maybahay martir na asawa.
Sa ‘yong pagbabalik sa piling ng Ama,
Ikaw’y gintong anak kahali-halina.
Ayokong bigkasin ang wikang “paalam”
Habang ang pag-asa’y hindi natatanaw.
Laging magsasabit mga lasong dilaw
Tuwing patnubay mo’y aming kailangan.
Agosto 3, 2009
Rose,
Kasusumite ko lang ng alay-pugay ko kay Tita Cory; ikaw ang may utang ngayon sa sevenling rengahan.
Hehe,
Ham
By: abraham de la torre on August 9, 2009
at 2:37 pm