Posted by: oneinamillionrose | March 19, 2007

Mga Ginintuang Pagbati Sa Aking Kaarawan

Bday flowersBlo-awt ko sa aking kaarawan

Tapang usa atsaka serbesa,
Ito lang ang aking makakaya;
Halina’t pagsaluhan,
sarapan ang pagbasa!


Bilang pasasalamat sa mga bumati, nais kong ibahagi sa aking mga kaibigan ang mga ginintuang pagbati ng mga kamakatang minamahal:

MGA PAGBATI NG KAMAKATAHAN:

Re: [KAMAKATAHAN] Para sa Natatanging Rosas

Ate Rose,

Maligayang kaarawan sa iyo!

I wish you more blessings, good health and happiness.

Love,

Me-Ann

Bb. Rose,

Happy Birthday… mwahhh

Luisa

Ate Rose,
Happy Birthday!
May God bless you more!
Ingat po. Lab yu! mwah!

Mary

At babatiin ko na rin ng isa ng Maligayang Kaarawan ang Natatanging
Rosas na si Ate Rose(hehe, pasensiya na kahit matanda ako ng ilang
paligo ay natawag kitang ate.) Muli, sa duyan ng mga alon sa isla ng
Talim… Happy Beer-day…hehe…painom ka naman Milyunarya.

At tuloy ang pabaga!

Tata

hapi birthday Rose!

” Walang kaarawang di mananagana ng saya,

sa pusong ang saya ay sadyang apat na letra.”

Panalangin ko ang katiwasayan ng iyong loob,

Kiko

Happy ___th bday

hoy donya, happy birthday. and many more to come.

absent aki dahil medyo bisi

Donbel

Happy Bday Tita. Tgal na tayo wlang usap ah. :D
Xa nga pla, yan si Maria, certified kras ko yan. >:D<

Bum

Pabati po ate Rose, kahit di ko pa po kayo nakikita ng personal.

H-Bday.

Rey

dear ate Rose, belated happy bday po!
medyo nawala ako ng ilang linggo,hehe,buwan pala.

may tula din po akong ihahandog sa inyo.

Sa hardin ng gubat may tanging bulaklak
na lubhang matinik ang sanga’y madawag
Ikaw ang katulad na ang halimuyak
galing sa sanghayang laging namumukad.

Kadena de amor, katmon, diliwar
iw
ang iyong kasama at laging kapiling
sa dahilig gubat, parangan o bangin
ika’y namumukod at walang kahambing.

Walang di naakit sa taglay mong ganda
bantay ay bubuyog sa tuwing umaga’t
paruparo naman ay namumusturang
handa kang dapuan kapag nag-anyaya.

Happy Birthday po ulit ate Rose!

Rado

Sa ‘ting natatanging rosas

Sa KAMAKATAHANG hardin

na bango’y di kumukupas

at gandang di alanganin

humahabol ng pagaspas

ang pagbating liliparin

ng paruparong may wagas

na adhika at dalangin.

Happy b-day ate (nakikiate) Rose,

Kuya Sam

tataraul1968
wrote: Ay ate Rose, natutuhan ko
tuloy malasing pag nagbabasa,kinailangan ko
pang isuot ang aking antipara para mabasa ang nakalalasing mong
inumin at pulutan…ke sarap pala ng tapang usa at serbesa kapag
ito’y isang letra at binabasa habang apat ang mata.

tula nang tula!

Tata

Re: belated happy birthday po ate Rose!

Huwaw naman Rado …kakatats naman tong tula mo ke ate Rose
Milyunarya.

Ipapahabol ko din itong munti kong nakayahan.

Rumurosas ang paligid sa pusod ng kanyang hardin
Ohales na bumibilog ang mata ng gumigiliw
Sa nakatago mong ganda’y sino ang di masusutil
Ako ba o si ka Radong naro’n sa bulubunduki’t
Sakbibi ng libong lungkot tinatanaw ay bituing

Nasa langit at nagtipong tumatapon ang liwanag
Gumuhit na parang apoy at matalim pa sa kidlat

Habang ako’y nakatanaw sa bulaklak na maganda,
Ang loobi’y nagtatanong: Si Rado ba’y sumisinta’t
Ragasa ng kanyang tula’y bulaklakin ng sanghaya?
Diligin mo Radong magaling yaong hardin ng pag-asa’t
Ididilig mo ay luhang nanggaling sa iyong mata
Ng ito ay mapayabong at ikaw ay lumigaya.

O, Hayan Ka Rado , para sa yo at ke ate Rose yan…

Oi, tula lang yan ha?

Tula nang tula!

Tata

ate Rose,

sa pagitan nitong dalisdis at lawa

sa lambak ng parang, dahilig at sapa

ay nagsalimbayan tinig ng makatang

umaalingawngaw sa himig ng tuwa

ngunit huwag limutin na ang nagbubuklod

ng inyong tayutay at mga taludtod

ay ang tanging rosas na may tanging lugod

di lamang sa lawa’t ligaw na bubuyog

kaya’t akin ngayong dinadaop-palad

dalawang katotong may iisang hangad

na sa tanging araw ng iisang rosas

ay pag-iisahin ang pagbating tapat!

kaya’t sa tarikang makata ng Talim

at kay Radong diwa’y sadyang matulain

sa hagkis ng rikit at lawang taimtim

halina’t magsalo’t lalong pairugin

ang KAMAKATAHANG rosas sa ‘ting hardin!

kuya Sam

(ayan ate Rose, mahaba-haba na)

pahabol..beleated happy bday ate rose.

Megs

About these ads

Responses

  1. Maligayang kaarawan sa iyo!

  2. Sa susunod na taon na poh ako magpapasalamat… :-) sa pagbati.

    Salamat muna ngayon sa pagbisita sa aking abang blog na nangungulila sa bagong paskil. :-)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: