Babala: Nais ko pong linawin, hindi po ako isang aktibista…hehe
Sona ng Panaginip, Rosemarie Medina Ydia, 8/01/06
Sa loob:
Masigagong palakpakan
ang sa iyo’y sumalubong
Kaliwa’t kanan ang pagbati
ngiti dito, kindat doon
Sa labas:
Nagdabog si San Pedro
at nagngalit yaong lintik
Langit ay lumuha,
taong bayan ay nagngitngit
Bawat salitang binigkas,
sa ilong ay lumabas
Ang panaginip mo ay bangungot
na nagdulot ng kilabot
Sa aking pagkabagot, ako ay inantok
sa bitag ng pakana muntik na nahulog
Ngunit ako ay pinukaw ng huwad na palakpakan
hanggang sa mamulat sa mapait na kabalintunaan
makibaka, makiaso, makipusa!!!!
By: Raul Funilas on April 8, 2010
at 7:54 pm