src=\”http://oneinamillionrose.files.wordpress.com/2009/06/1152160854-hr-19.jpg\”PREMYO
Rosemarie Medina Ydia, Feb. 17, 2006
Ilang hakbang na lang mula sa pintuan
halos abot na ang mapagpalang kamay
na syang mag-aabot ng tiket sa papasok
tungo sa pangarap na nais maabot
Salamat sa Diyos, at nalampasan na
Apat na araw na pagkakandarapa
Puto at tubig laman ng sikmura
aabot pa naman hanggang mamaya
Labis na init, amoy at ingay,
kayang tiisin, sandali na lamang
kapalit ng bayong na pag-asa ng bayan
dalanging kong mapasa-aking kamay
Ngayong malapit na ako sa pintuan,
nag mukhang impierno ang kapaligiran
di mawari king ano ang dahilan
bakit ganito aking pakiramdam?
Paa ko ay manhid, binti\’y namimitig
puso\’y di mapigil, nakabibinging pintig
Bigla na lamang sa aking paanan,
marami nang taong nakahandusay!
Diyos ko, ito ba ay patay?
Tigil! Mga paa, tigil na sa pagkilos,
huwag silang apakan, ulo’y madudurog
pakaingatan mong ika\’y matalisod!
Huli na ang lahat, ako\’y narito na
bawat bigat ay aking dinala
Isa, dalawa, tatlo, ilang lagutok na ba?
Di na mabilang, buto ko ay lansag na!
Dito ba magwawakas, aking pangarap?
kung ganito kasakit, sana\’y wakas na,
madilim na daiigdig, ako\’y hinihila
nais ko nag matulog at mag pahinga
Sa dako pa roon, may munting liwanag
Wari\’y nag hihintay, ako\’y tinatawag
Sa wakas, ay akin din yatang mararating
ang pinto ng pag-asang nais na hipuin
Sa aking pagpasok, sa pintong bumukas,
Ako ay binalot ng mahiwagang liwanag
Walang kahulilip na kaligayahan
at kapayapaan, aking naramdaman
Ligayang nadama ay walang katumbas
Pagmamahal na wari\’y wala ng katulad
Tila bumalik sa sinapupunan
ng inang sa akin siyang nag luwal!